Escudero Hydroelectric Power Plant
Matatagpuan ang Villa Escudero sa Lungsod San Pablo, Laguna at sa bayan ng Tiaong, Quezon.
Itinatag ang Villa Escudero noong 1872 nina Placido Escudero at Claudia Marasigan.
Noong 1921, ipinatayo ng kanilang anak, si Arsenio Escudero, ang Dikeng Labasin at kasama nitong power plant upang lumikha ng koryente para sa plantasyon.
Gumawa ang dikeng ito ng munting lawas ng tubig, ang Lawang Labasin. Pagkatapos buksan sa publiko ang asyenda bilang isang resort, maaari nang lakbayin ng mga turista ang lawa sakay ng balsang gawa sa kawayan. Maaari ring tumira sa mga bahay-bakasyunan na gawa sa katutubong materyales at nakatirik sa pampang ng lawa.
Isa sa mga kilalang atraksiyon ng Villa Escudero ang tinatawag na Talong Labasin (Labasin Waterfalls), na hindi likas na talon kundi spillway, o buhusan ng tubig ng Dikeng Labasin. Bukod sa pinahihintulutan ang paliligo dito, matatagpuan ang isang kainang walang bubungan malapit sa paa ng spillway.
Kumakain ang mga turistang nakayapak habang abotbinti sa umaagos at malamig na tubig at nahahamugan ng bumubuhos na busay, maaaring wala nang ibang mas preskong al fresco na kainan sa bansa.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Escudero Hydroelectric Power Plant "