Baryo
Ginamit itong dibisyon sa isang bayan o munisipalidad sa Filipinas noong panahon ng mga Espanyol at maaaring itumbas sa barangay, nayon, o ili.
Karaniwang inilalarawan ang isang baryo na binubuo ng ilang kamag-anakan na nakatira sa isang palayan, bukirin, pampang, at iba pang magkakadikit na lunan. Bagaman maaaring isang yunit sa lungsod o pook na matao ang baryo, karaniwang ipantukoy ang baryo sa pook na rural—may bukirin, batis, punongkahoy at kawayan, halamanan, ilang kubo, ibon, isang bundok sa malapit, at larawan ng payak na pamumuhay at walang-tinag na buhay.
Pinalitan ang katawagang baryo tungo sa barangay bilang pinakamaliit na pamahalaang lokal na yunit ng bansa sa panahon ng pamumuno ni Ferdinand Marcos.
Ginagamit din ang salitang baryo sa iba pang bansang nasakop ng Espanya ngunit sa magkakaiba-ibang paraan, tulad ng gamit sa Venezuela na ipinantutukoy ang baryo sa isang pamayanan ng mga iskuwater.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Baryo "