Bayawak
Mabilis gumapang ang bayawak at naninirahan ito malapit sa tubig. Kadalasang kulay kape ito na may marka ng dilaw at berde sa katawan. May mahaba itong leeg, apat na binti, at malakas na buntot na ginagamit nitong panlaban sa mga kaaway. May mahaba din itong dila. Dahil malaki ang bibig nitó, kaya nitóng lunukin nang buo ang biktima.
Minsan, mga tirang pagkain ang kinakain ng mga ito. Bukod sa karne, ang mga batang bayawak naman ay kumakain ng mga dahon at insekto. Nangangailangan ito ng karne upang mabuhay, kaya naman hindi ito mabuting alagaan sa bahay. Madumi ang laway ng bayawak, kaya ang kagat nito ay nagdudulot ng hindi maganda sa mga nakakagat.
Nangingitlog ng hanggang tatlumpu’t limang itlog ang bayawak. Itinatago nito ang itlog sa ilalim ng lupa at saka babalikan kapag malapit na itong mapisa.
Sa ngayon, ang mga bayawak ay pinag-iingatan upang ito ay hindi maubos sa Pilipinas. Katunayan, ang International Union for Conservation of Nature ay tumutulong upang mapanatili ang bayawak sa mundo.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Bayawak "