Balaklaot
On Pamumuhay
Ang balaklaot ay isang malakas na simoy na dumadaan sa Pilipinas mula sa hilagang kanluran ng kapuluan at galing sa bahagi ng Hilagang Pasipiko.
Tinatawag din itong hanging hilaga at trade winds sa Ingles.
Karaniwang dumaraan ang hanging ito sa mga buwan ng Abril at Mayo at nagdadala ng pinakamainit na temperatura at pinakamadalang na pag-ulan sa kapuluan.
Karaniwan ding dala-dala ng hanging amihan ang balaklaot kapag dumaraan sa kapuluan sa mga nasabing buwan.
Ang pagdatĂng ng balaklaot ay palatandaan ng pagpapalit ng panahon dahil sa Abril kadalasang nagtatapos ang pagdaraan ng amihan na nagdadala ng katamtaman hanggang sa malamig na temperatura at madalang na pagulan, at sa Mayo naman nagsisimula ang hanging habagat na nagdadala ng malakas na pag-ulan.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Balaklaot "