Habagat
Habagat ang tawag sa simoy na nagmumula sa timog-kanluran at nagdadala ng malakas na ulan na karaniwang bumabagsak sa kanlurang bahagi ng bansa.
Ito ay kadalasang nagsisimula sa panahon ng tag-init sa hilagang hemisphere, sa panahong ang kalupaan ng kontinente ng Asia ay nagiging mas mainit kaysa mga nakapalibot na karagatan. Nagreresulta ito sa pagkakaroon ng mababang presyur ng hangin sa lugar at ang hanging dala nito mula sa karagatan ay imiihip papuntang kalupaan ng Asia.
Ang simoy na ito ay may dalang init at alinsangan na dumadaan sa kalupaan ng Filipinas at siyang nagiging pangkalahatang klima ng bansa. Ang pag-iral ng simoy ito ay nagsisimula mula Mayo o Hunyo at tumatagal hanggang Oktubre.
Sa ilang alamat, malimit ilarawan si Habagat na isang mabagsik na nilalang at nagnanasa sa magandang diwatang si Amihan. Ang pagsisikap ni Habagat na dakpin si Amihan ang lumilikha ng pagpupuyos ng hangin at pagtaas ng alon na kinatatakutan ng mga magdaragat.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Habagat "