Sa panahon ng Espanyol, ladino ang tawag sa isang taong marunong magbasa at magsulat sa wikang Tagalog at Espanyol.


Unang ginamit ang terminong ito ng isang misyonero sa isang makatang Filipino na si Fernando Bagongbanta na nagsulat ng isang tula na halinhinang Tagalog at Espanyol:

Salamat nang ualang hanga

gracias se den sempiternas

sa nagpasilang ng tala

al que hizo salir la estrella:

macapagpanao nang dilim

que destierre las tiniblas

sa lahat na bayan natin

de toda esta nuestra tierra.


Ang bawat linyang Tagalog ay tinumbasan ng Espanyol sa sumunod na linya. Pinatutunayan ng ganitong uri ng bilingguwal na tula ng mga ladino na marunong sila ng wika ng kanilang mananakop.


Ipinauso pa ang estilong ito ni Tomas Pinpin sa kaniyang aklat hinggil sa pag-aaral sa wikang Espanyol na Librong Pagaaralan nang manga Tagalog nang Uicang Castila (1610) na naglalaman ng mga aralin mula sa mga simpleng salita hanggang sa mga pangungusap na maaaring memoryahin.


Sipi sa aklat ni Pinpin:

Anong dico toua, como no he deholgarme

Con hapot, omaga, La manana y tarde;

Dili napahamac, que no salio en balde;

itong gaua co, aquesta mi lance.


Malaki ang naging kontribusyon ng mga ladino sa mga misyonaryo na nagsulat ng mga unang aklat sa gramatika at mga bokabularyo sa Tagalog at sa iba pang wika sa Filipinas. Makikita ito sa mga introduksiyon ng nalathala nilang aklat na may pagkilala sa impluwensiya ng wika at panitikang Tagalog.


Sa kasalukuyan, bilingguwal ang tawag sa isang tao na bihasa sa dalawang magkaibang wika. Pero hindi ang paghahalo ng dalawang wika gaya ng Taglish o Engalog ng mga hindi makapagpahayag ng purong Ingles o purong Tagalog.


Higit na nagpapakita ang Taglish o Engalog ng pagiging bigo ng programang edukasyong bilungguwal sa Pilipinas


Pinagmulan: NCCA Official | Flickr


Mungkahing Basahin: