Ang ibong layang-layang
Payat ang katawan nito at mahaba at matulis ang mga pakpak para sa mabilis at episyenteng pagmamaniobra sa himpapawid. May tulin itong 50-65 kilometro bawat oras sa paglipad.
Ang mahaba rin nitong buntot ay pantulong sa mabilisang paglikwad-likwad sa eyre. Gayunman, may kakayahan din itong mabining tumawid sa langit. Maikli ang mga paa nito at may mga kukong higit na gamit para sa pagkapit kaysa paglakad.
Ang kulay ng balahibo nito ay karaniwang makintab at madilim na bughaw.Maraming alamat hinggil sa layang-layang. Halimbawa, may kuwentong Romano na pinagdala ng mensahe ang ibong ito. Ngunit dahil alam ng lahat na naninirahan ito malapit sa lupa, ang paglitaw ng layang-layang ay itinuturing na magandang pangitain ng mga manlalakbay-dagat. Ang ibig sabihin, malapit na sila sa kanilang destinasyon.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Ang ibong layang-layang "