Katon
On Pamumuhay
Mula sa Espanyol na caton, ang katon ay panimulang aklat sa pagbasa na ginamit noong panahon ng mga Espanyol.
Nakasulat ito sa wikang Espanyol at mas malaki at mas maraming pahina kaysa kartilya.
Ginagamit ito kapag natutuhan na ng bata ang kartilya at nakahanda na sa higit na mataas na mga leksiyon.
Bukod sa leksiyon sa pagbasa at pagbilang, may mga papataas na itong leksiyon sa pagbasa ng mga parirala at maikling pangungusap.
Kung minsan, may mga larawan sa katon upang tumulong sa pagkilala ng mga salita at magpayaman ng bokabularyo.
Ang paraan ng pagtuturo ng wika sa katon ay patuloy na ginamit sa pagtuturo ng pagbasa sa mga paaralan hanggang nitóng ika-20 siglo.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Katon "