Infanta Judith
Isa siya sa mga sagala na may katauhan at pananagisag na hinugot sa Bibliya. Kinakatawan ni Infanta Judith ang magandang biyudang si Judith ng Bethulia sa Lumang Tipan.
Ayon sa aklat na ipinangalan sa kaniya, iniligtas niya ang kaniyang bayan mula sa mga Assyrian sa pamamagitan ng pagpatay sa heneral na si Holofernes.
Nagpanggap siyang isang espiya ng mga Assyrian laban sa kaniyang mga kalahing Hudyo at inakit si Holofernes nang imibitahan siya nito sa tolda ng heneral upang magpiging. Nang malasing at nakatulog na si Holofernes, kumuha ng espada si Judith at pinugutan ang heneral.
Isinilid niya sa isang supot ang ulo at bumalik sa kaniyang bayan upang ipakita sa mga kapuwa Hudyo ang tagumpay niya sa pagpaslang sa lider ng mga kaaway. Lumakas ang loob ng mga Hudyo, at sinugod ng mga Hudyo ang mga Assyrian na natalo dahil sa pagkawala ng gumagabay na pinuno.
Bilang sagala, kailangang dala-dala ni Infanta Judith ang ulo ng kaniyang pinatay sa isang kamay at sa isa pa ang espadang ginamit niya sa pagpaslang. Malimit at dahil lumilikha ng malubhang tákot, ang espada na lamang ang hawak ng nagrereynang Infanta Judith sa santakrusan.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Infanta Judith "