Precious Akeisha Cerillo
𝗬𝗗𝗦𝘁𝗼𝗿𝗶𝗲𝘀 𝗕𝗶𝗰𝗼𝗹: "𝘔𝘢𝘳𝘢𝘮𝘪 𝘱𝘰 𝘬𝘢𝘮𝘪𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘨𝘰𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘵𝘶𝘵𝘶𝘯𝘢𝘯 𝘥𝘢𝘩𝘪𝘭 𝘴𝘢 𝘠𝘰𝘶𝘵𝘩 𝘋𝘦𝘷𝘦𝘭𝘰𝘱𝘮𝘦𝘯𝘵 𝘚𝘦𝘴𝘴𝘪𝘰𝘯, 𝘯𝘢𝘨𝘬𝘢𝘳𝘰𝘰𝘯 𝘥𝘪𝘯 𝘬𝘢𝘮𝘪 𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘣𝘢𝘨𝘰𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘪𝘣𝘪𝘨𝘢𝘯 𝘢𝘵 𝘮𝘢𝘴 𝘯𝘢𝘱𝘢𝘭𝘢𝘭𝘪𝘮 𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘮𝘪𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘯𝘨 𝘶𝘯𝘢𝘸𝘢 𝘢𝘵 𝘬𝘢𝘢𝘭𝘢𝘮𝘢𝘯 𝘱𝘢𝘵𝘶𝘯𝘨𝘬𝘰𝘭 𝘴𝘢 𝘢𝘮𝘪𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘱𝘪𝘯𝘢𝘨 𝘥𝘢𝘥𝘢𝘢𝘯𝘢𝘯 𝘣𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘣𝘢𝘵𝘢𝘢𝘯 𝘢𝘵 𝘣𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘯𝘥𝘪𝘣𝘪𝘥𝘸𝘢𝘭. 𝘔𝘢𝘳𝘢𝘮𝘪𝘯𝘨 𝘴𝘢𝘭𝘢𝘮𝘢𝘵 𝘱𝘰 𝘢𝘵 𝘯𝘢𝘨𝘪𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘳𝘵𝘦 𝘬𝘢𝘮𝘪 𝘯𝘨 𝘴𝘦𝘴𝘴𝘪𝘰𝘯 𝘯𝘢 𝘪𝘵𝘰. "
Ito ang ibinihagi sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office V - Bicol Region ni Precious Akeisha Cerillo, Grade 7 student at isang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) beneficiary mula sa Del Gallego National High School, Camarines Sur.
Ang Youth Development Session o YDS ay isang modular na sesyon para sa mga high school beneficiary ng 4Ps. Layunin ng programa na magbigay ng mahalagang kaalaman at kasanayan sa mga kabataan upang matulungan silang maunawaan ang mga pagsubok sa kanilang pag-unlad sa buhay sa yugtong ito.
Bukod dito, ito’y naglalayong magbigay ng pagkakataon sa mga mag-aaral na makilahok sa talakayan tungkol sa mga isyung panlipunan upang sila’y maging mas responsible, produktibo, maalam, at marespetong mamamayan.
Pinagmulan: @dswdfo5
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Precious Akeisha Cerillo "