Jenny Rose P. Bue

Jenny Rose P. Bue, community volunteer


"Sa Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan - Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services (KALAHI-CIDSS), hindi lamang mag-KALAHI tayo kundi mag-KAPAMILYA at mag-KAPUSO TAYO.


Ito ang naging pahayag ni Jenny Rose P. Bue, community volunteer ng Barangay Malubago, Sipocot, Camarines Sur, ukol sa kanyang karanasan sa pangangasiwa ng pagbabayanihan.


Ayon sa kanya, naging isa siyang community volunteer dahil nais niyang makatulong at maging kasangkapan sa pag-unlad ng kanilang barangay.


Natutunan din niya at ang kanyang mga kasamahan na kahit sila ay simpleng residente ng kanilang barangay, sa tulong ng KALAHI-CIDSS ay nagkaroon sila ng malaking ambag sa pag-unlad ng kanilang barangay.


Pinagmulan: @dswdfo5


Mungkahing Basahin: