Ang pamilya Estrada mula sa bayan ng Pili
Ang pamilya Estrada mula sa bayan ng Pili, Camarines Sur ay patunay na ang edukasyon ay kayang magbigay ng mas maliwanag na kinabukasan. Sa kabila ng mga hamon sa buhay, pinatunayan nina Juan, isang welder, at ng kanyang asawa, na hindi hadlang ang hirap ng buhay para maabot ang mga pangarap.
Sa suporta ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), naging katuwang ng sambahayan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang maabot nila ang kanilang layunin.
Ang anak ni Tatay Juan na si John Mark ay nakapagtapos ng high school at kursong Electronics sa TESDA at ngayon ay may sarili nang pamilya. Si Juana Carla naman ay nakapasa sa Licensure Examination for Teachers at kasalukuyang nagtuturo. Si Jonel ay isang senior high school graduate na patuloy na naghahanap ng oportunidad, habang sina John Hayden at John Ver ay determinadong ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral bilang Grade 9 at Grade 10.
๐๐ฐ๐ฐ๐ฏ, ๐ด๐ข๐ฃ๐ข๐บ-๐ด๐ข๐ฃ๐ข๐บ ๐ฏ๐ข ๐ฏ๐ข๐จ-๐ข๐ข๐ณ๐ข๐ญ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ข๐ฎ๐ช๐ฏ๐จ ๐ฎ๐จ๐ข ๐ข๐ฏ๐ข๐ฌ ๐ฉ๐ข๐ฃ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฉ๐ช๐ฏ๐ฅ๐ช ๐ญ๐ข๐จ๐ช๐ฏ๐จ ๐ด๐ข๐ฑ๐ข๐ต ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ช๐ฏ๐ช๐ฌ๐ช๐ต๐ข ๐ฌ๐ฐ ๐ฃ๐ช๐ญ๐ข๐ฏ๐จ ๐ธ๐ฆ๐ญ๐ฅ๐ฆ๐ณ. ๐๐จ๐ถ๐ฏ๐ช๐ต ๐ฅ๐ข๐ฉ๐ช๐ญ ๐ด๐ข ๐ต๐ถ๐ญ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฏ๐จ 4๐๐ด, ๐ฏ๐ข๐ต๐ถ๐ด๐ต๐ถ๐ด๐ข๐ฏ ๐ฏ๐ข๐ฎ๐ช๐ฏ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐จ๐ข ๐ฑ๐ข๐ฏ๐จ๐ข๐ฏ๐จ๐ข๐ช๐ญ๐ข๐ฏ๐จ๐ข๐ฏ ๐ด๐ข ๐ฑ๐ข๐ข๐ณ๐ข๐ญ๐ข๐ฏ ๐ข๐ต ๐ฏ๐ข๐ต๐ถ๐ญ๐ถ๐ฏ๐จ๐ข๐ฏ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐ฎ๐ช๐ญ๐บ๐ข ๐ฏ๐ข ๐ฎ๐ข๐ช๐ต๐ข๐ธ๐ช๐ฅ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐จ๐ข ๐ข๐ณ๐ข๐ธ ๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ธ๐ข๐ญ๐ข๐ฏ.
Ang dedikasyon ng mag-asawa ang naging susi para sa tagumpay ng kanilang mga anak. Sa bawat cash grants, inuuna nila ang edukasyon—bayarin sa eskwelahan, gamit sa pag-aaral, at allowance ng mga bata. Tinutulungan din nila ang kanilang mga anak na pangalagaan ang natutunan para sa mas maayos na kinabukasan.
Pinagmulan: @dswdfo5
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Ang pamilya Estrada mula sa bayan ng Pili "