Mylene Mae B. De Chavez, community volunteer

Inihayag ni Mylene Mae B. De Chavez, community volunteer ng Barangay San Bernardino, Calabanga, Camarines Sur, na ang tagumpay ng Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan - Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services (KALAHI-CIDSS) ay hindi lamang nakikita sa mga imprastruktura at pasilidad na naipatayo, kundi pati na rin sa pagbabago ng pananaw at pag-asa ng mga tao.


"Ito ay isang patunay na sa pamamagitan ng sama-sama at nagkakaisang pagkilos ng komunidad, maaari nating makamit ang mga pangarap at layunin para sa ating sarili at para sa susunod na henerasyon," paliwanag ng volunteer.


Pinagmulan: @dswdfo5


Mungkahing Basahin: