utang ng namatay niyang magulang

 

Dapat bang bayaran ng anak ang utang ng namatay niyang magulang?


SAGOT:


Oo, pero manggagaling lamang ito sa halaga ng namana ng anak sa kanyang yumaong magulang.


Ayon sa Article 774 at Article 776 ng Civil Code, kasama sa naipapamana ang mga obligasyon ng yumao, kasama ang mga utang. Pero may limit ito at hindi maaaring humigit sa naiwang ari-arian ng yumao.


Ibig sabihin, kung walang properties na naiwan ang namatay na magulang, walang obligasyon ang anak na bayaran ito.


Pinagmulan: attytonyroman (sundan sya sa Instagram)


Mungkahing Basahin: