Servillano Aquino (1874-1959)


Isinilang sa Angeles, Pampanga, 20 April 1874. Nanguna sa mga  Katipunero sa paglaban sa puwersang Espanyol sa Bayan ng Concepcion, Tarlac, 1896.


Tumulong sa pagpapalaya sa lalawigan ng Tarlac kasama si Heneral Francisco Makabulos, 10 Hulyo 1898. Nakipaglaban sa mga Amerikano sa Caloocan, Pampanga, at Tarlac gamit ang taktikang gerilya, 1899. 


Sumuko kay Brigadier General Frederick Dent Grand, 1900. Ikinulong sa Bilangguan ng Bilibid, 1901. Lumaya, 25 Marso 1904. Yumao sa Concepcion, Tarlac, 3 Pebrero 1959.


Pinangalanang Kampo Servillano Aquino ang Kampo Ord sa San Miguel, Tarlac, 16 Hunyo 1962, bilang pagkilala sa kanyang kabayanihan.


Pinagmulan: @nhcpofficial


Mungkahing Basahin: