Kapitolyo ng Tarlac

Kapitolyo ng Tarlac 


Inilipat sa tuktok ng burol ang sentro ng pamahalaang panlalawigan nang masunog ang Casa Real, 1906. Sa ilalim ng pamumuno ni Gobernador Manuel de Leon, itinayo yari sa kongkreto at kahoy ayon sa disenyo ni Arkitekto William Parsons, 1909.


Isinaayos sa pangangasiwa ni Arkitekto Tomas Mapua, 1927. 


Sinakop at naging himpilan ng mga sundalong Hapon; at nawasak noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Muling isinaayos sa bisa ng Philippine Rehabilitation Act of 1946, 1950. 


Itinayo ang Annex Building, dekada 1950. Muling isinaayos, 1989; at noong 2023 bilang paggunita sa ika-150 anibersaryo ng pagkakatatag ng lalawigan ng Tarlac.


Pinagmulan: @nhcpofficial