la concordia college ng maynila


Ang La Concordia College ng Maynila ay isa sa mga noo’y iilan pa lamang na mga paaralan sa mga kababaihan sa Pilipinas. Ang makasaysayan na kolehiyo ay itinatag ng pilantropo na si Doña Margarita Roxas de Ayala noong 1868. Kilala sa kanyang pagiging makamasa, gumawa siya ng paraan para makatulong sa mga tao sa pamamagitan ng pagtatatag ng eskwelahan na pambabae na pinamahalaan ng Sisters of Charity.


Noong ikalawang digmaang pandaigdig, sa utos ni dating Alkalde Leon Guinto ay nagsilbing refugee center ang paaralan, ngunit noong Pebrero 1945 pinaulanan ito ng mga artilerya ng Amerikano dahil sa maling impormasyon na nakuha nila. Ginawang himpilan ang La Concordia ng mga Amerikano bago nila ito bombahin. Ang mga Hapon naman ang sumunod sa pagbomba ng eskwelahan hangga’t sa walang natirang pisikal na istruktura bukod sa mga pader ng kolehiyo.


Kinilala ng Philippines Historical Research and Markers Committee (PHRMC)sa pamamagitan ng isang Panandang Kasaysayan ang kolehiyo noong 1934. Sa kasalukuyan, ang La Concordia ay ipinatayo muli at nasa ilalim padin ng administrasyon ng mga Sisters of Charity at ng mga kaanak ni Doña Margarita Roxas de Ayala.


Ngayong Buwan ng mga Pambansang Pamana, magbabahagi ang NHCP ng ilan sa mga natatanging pamanang istruktura na kinikilala nito sa isang deklarasyon o kaya’y panandang pangkasaysayan. Para sa dagdag pang kaalaman, bisitahin ang National Registry of Historic Sites and Structures sa link na ito https://philhistoricsites.nhcp.gov.ph/


Pinagmulan: @nhcpofficial


Mungkahing Basahin: