ayuntamiento de manila

Ayuntamiento de Manila 


Nakilala rin bilang Casas Consistoriales o Cabildo (konsehong panlungsod ng Maynila), itinatag ang gusali ng Ayuntamiento noong 1738 noong panahon ng panunungkulan ni Gobernador-Heneral Fernando Valdés Tamón. Nagsilbing tahanan ng gobernador-sibil ng Maynila, ang bulwagan ng Ayuntamiento ang naging tagpuan para maraming pagdiriwang. Noong 1863, napinsala ito ng lindol kung kaya sa muling pagtatayo nito ay gumamit na ng adobe na hinango sa bayan ng Meycauayan sa Bulakan upang ito ay mas mapatibay. Naging saksi rin ito ng pagtaas ng bandila ng Estados Unidos, na isinagawa ng pwersa ni Heneral Wesley Merritt noong Agosto 13, 1898, na naging hudyat ng pagkontrol ng mga Amerikano sa buong Kamaynilaan, kung saan pagkatapos ay nagsalo-salo ang mga Amerikano pati na rin ang mga Espanyol sa pagtatapos ng tinaguriang “Mock Battle of Manila”.


Sa ilalim ng mga Amerikano, nagsilbing panibagong bahay ng Pambansang Sinupan ang Ayuntamiento noong 1902 hanggang 1938 noong inilipat ang punong-tanggapan nito sa labas ng Intramuros. Nagsilbing rin itong punong-himpilan ng mga sundalong Amerikano ang Ayuntamiento, kagaya nina Elwell S. Otis at Thomas H. Barry. Nagsilbi rin itong pook ng mga pagpupulong ng Unang Pambansang Asamblea noong 1907, pati na rin ang kanyang kahalili na Lehislatura ng Pilipinas hanggang 1924 ng lumipat ito sa Legislative Building (na ngayo’y National Museum of Fine Arts) na pinasinayaan noong 1926.


Noong 1933, ginawaran ng Philippine Historical Research and Markers Committee, na kinabibilangan ng mga tanyag na personalidad kagaya nina Henry Otley Beyer, Jaime C. De Veyra, Conrado Benitez at Eulogio “Batan” Rodriguez, ng isang panandang pangkasaysayan ng Ayuntamiento. Sa kasalukuyan, ang gusali ay inookupa ng @Bur matapos ang muling pagtatayo ng gusali noong 2013. Para sa karagdagang kaalaman ukol sa iba pang makasaysayang pook at istruktura na kinikilala ng NHCP, mangyaring bisitahin ang https://philhistoricsites.nhcp.gov.ph.


Pinagmulan: @nhcpofficial


Mungkahing Basahin: