USAFIP-NL Military Shrine and Park

USAFIP-NL Military Shrine and Park


Ang Dambana ng United States Army Forces in the Philippines – Northern Luzon


Dating tinawag na Camp Spencer, ang Dambana ng United States Army Forces in the Philippines – Northern Luzon or United States Armed Forces in the Philippines – Northern Luzon (USAFIP-NL) ay matatagpuan sa Luna, La Union. Noong ikalawang Digmaan Pandaigdig, ang Kampo Spencer ang naging sentro ng operasyon ng USAFIP at NL sa kasagsagan ng kampanya para mapalaya ang Pilipinas mula sa mga Hapon noong Enero hanggang Setyembere 1945. Malaki ang naging epekto nito sa kalaunang pagsuko ni Heneral Tomoyuki Yamashita at pagtatapos ng digmaan.


Sa pook na ito pansamatalang nakulong bago tuluyang palagdain sa opisyal na pagsuko ng Hapon sa Camp John Hay sa Lungsod ng Baguio. Samantala, ang baybayin ng Darigayos ang naging daanan ng mahahalagang gamit pakikidigma ng mga Amerikano na nagmula sa South-West Pacific Area Command ni Gen. Douglas MacArthur.


Noong 1946, dinekomisyon ang kampo na may laking 7, 253 ektarya at pagdating ng 1958, ay inilagay ng noo’y Philippines Historical Committee (PHC) ang panandang pangkasaysayan para sa Camp Specer. Noong 1995 naman ay idineklara bilang Dambana sa bisa ng Proklamasyon Bilang 590. 2009 na nang matapos ang pagtatayo sa Dambana na ngayo’y nasa pangangalaga ng Philippine Veterans Affairs Office (PVAO).


Pinagmulan: @nhcpofficial


Mungkahing Basahin: