Balete Pass National Shrine

Balete Pass National Shrine


Dating tinawag na Dalton Pass, ang Balete Pass National Shrine (BNPS) ay matatagpuan sa isang kumplikadong daan na nagdudugtong sa mga lalawigan ng Nueva Ecija at Nueva Vizcaya na naging pook ng isang mahalagang labanan noong 1945; sa kasagsagan ng mga huling labanan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.


Ang nasabing labanan ay kinasangkutan ng mahigit 150 libong sundalong Hapones laban sa pinagsanib na pwersa ng mga ika-25 Dibisyon ng Estados Unidos, mga gerilya ng Luzon Guerilla Forces (LGF) at mga Tsino na tumagal mula Pebrero hanggang Mayo 1945. Pagsapit ng 13 Mayo 1945, tuluyang naitaboy ang pwersang Hapon papuntang Kiangan at naideklara ang pook na bukas sa Allied Forces. Ipinangalan ito kay Brigader General James Dalton II na napatay ng isang sniper sa pook noong 18 Mayo 1945.


Noong 1996, Ipinagutos ni Dating Pangulo Fidel Ramos ang pagsasaayos ng pook para maging tourist spot. Samantala, idineklara ng National Historical Institute ang bilang Grade-2, historical site ang pook nang ikabit ang panandang pangkasaysayan para sa Balete Pass noong 13 Mayo 2005. Sa kasalukuyan, ang pook ay kilalang pasyalan ng bayan ng San Jose City ng Nueva Ecija at Santa Fe ng Nueva Vizcaya. Samantala, sa bisa ng RA 10796 ng 2016, tuluyang naideklara ang pook bilang Balete Pass National Shrine.


Pinagmulan: @nhcpofficial


Mungkahing Basahin: