ang bantayog ng kiangan

Ang Bantayog ng Kiangan (Kiangan Shrine)


Ang Bantayog ng Kiangan (Kiangan Shrine) ang isa sa pinakamahahalagang dambana na nagpapaalala sa paglaya ng Pilipinas mula sa mga Hapones noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Sa pook na ito nangyari ang mga sunod sunod na kaganapan na kaugnay ng pagkakahuli kay Heneral Tomoyuki Yamashita, pinuno ng ika-14 hukbo at isa sa pinakamataas na komandante ng Imperial Japanese Forces at ang tuluyang pagsuko ng pwersa nito.


Napwersang mapunta sa Kiangan ang mga kalaban dahil sa maigting na pakikipabaka ng USAFFE at ng mga Pilipinong gerilya. Sumuko nang tuluyan ang Heneral noong 2 Setyembre 1945 matapos ang serye ng pambobomba sa kanilang pinagtataguan. Siya ay nahuli sa Kiangan Central School ng 66th Infantry Regiment na binubuo ng mga pwersang Igorot.

Ang ika-2 ng Setyembre ay inaalala bilang “Victory Day.” Ang bantayog ay ipinagutos na maipatayo sa pamamagitan ng Philippine Tourism Authority at Lokal na Pamahalaan ng Kiangan noong Abril 19, 1973 sa bisa ng Proklamasyon Bilang 1460. Samantala, natapos ito noong 9 July 1975 at pinamahalaan ng Philippine Veterans Affairs Office noong 16 Oktubre 1975.


Ang Pambansang Komisyong Pangkasaysayan naman ay may dalawang pagkilala sa Bantayog; ikinabit ang panandang pangkasaysayan nito noong 1973 at idineklara naman na Grade I-National Historical Landmark noong Setyembre 2, 1995.


Para sa linggong ito, bilang paggunita at pakikiisa sa katatapos lamang na Philippine Veterans Week 2024, ibabahagi namin ang ilang mga bantayog at dambana na nasa pangangalaga ng PVAO na may pagkilala ng NHCP. Ang Dambana ng Kiangan ang huli sa seryeng ito.



Para sa karadgagang kaalaman ukol sa iba pang makasaysayang pook at istruktura na kinikilala ng NHCP, mangyaring bisitahin ang https://philhistoricsites.nhcp.gov.ph/ Para naman sa karagdagang kaalaman sa iba pang mga Military Shrines ng bansa, bisitahin ang https://pvao.gov.ph/military-shrines/ ng Philippine Veterans Affairs Office (PVAO).


Pinagmulan: @nhcpofficial


Mungkahing Basahin: