May tupi ang 1000-piso polymer banknote?
May tupi ang 1000-piso polymer banknote? Tanggapin at gamitin. Nananatili ang halaga nito kahit may tupi.
Nakatanggap ka ba ng may tuping 1000-Piso polymer banknote?
Huwag mag-alala! Maaari itong gamiting pambayad sa pang araw-araw na transaksyon.
Katulad ng perang papel, nananatiling may halaga ang polymer banknotes kahit may tupi.
Hinihikayat ang publiko na ipagbigay-alam ang hindi pagtanggap ng may tuping polymer banknote sa pamamagitan ng mga sumusunod:
• Bangko Sentral ng Pilipinas e-mail address: bspmail@bsp.gov.ph
• Land Transportation Franchising and Regulatory Board Hotline: 1342 / Landline: 8529-7111 / E-mail address: ochm@ltfrb.gov.ph
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa polymer banknotes, panoorin: https://www.facebook.com/watch/100064575494538/285648826960810
Pinagmulan: @bangkosentral
Mungkahing Basahin:
No Comment to " May tupi ang 1000-piso polymer banknote? "