Mali ang Pag-buhat, Kaya Masakit ang Likod o Tuhod
Mali ang Pag-buhat, Kaya Masakit ang Likod o Tuhod
Payo ni Doc Willie Ong | @docwillieong
Kaya sumakit ang likod, baywang, tuhod at talampakan, dahil madalas ay hindi natin napapansin na mali ang paraan natin sa pagtatrabaho.
Kaya heto ang tamang gagawin:
1. Sa pag-buhat ng balde.
Maling gawi: Mabigat ang binubuhat na balde ng tubig o basang damit.
Tamang paraan: Hatiin ang laman ng balde kapag bubuhatin para kalahati lamang ang bigat ng dinadala.
2. Sa pagbubuhat ng pinamalengke, sumasakit ang likod.
Maling gawi: Napakabigat ng dala o pinamalengke.
Tamang paraan: Gumamit ng may gulong na bag. Hatiin ang bigat sa kaliwa at kanang kamay. O magdala ng maraming bag.
3. Sa pagtatanim o pagdadamo sa bakuran at paglilinis, sumasakit ang likod at tuhod.
Maling gawi: Nakayuko
Tamang paran: Kumuha ng mababang silya at umupo habang nasa garden.
Mga Karagdagang Tips:
1. Kapag may inaabot na mataas, gumamit ng mahabang sungkit o stepper o ladder.
2. Gamitin ang buong katawan sa pagkilos, kailangan grupo ng muscles at hindi puro likod ang gamit.
3. Gumamit ng tamang lambot ng sapatos tulad ng rubber shoes. Dahil kapag matigas ang tapakan sasakit ang sakong at talampakan.
4. Mag-stretching muna sa umaga bago magsimula sa magtrabaho.
5. I-schedule ang trabaho, halimbawa isang araw paglalaba, 1 araw linis ng bakuran. Para makapahinga ang masel na ginamit mo sa isang gawain.
6. Pansinin palagi na tama ang posture, pag-upo at pagtayo mo. I-diretso and likod lagi, huwag kuba.
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Mali ang Pag-buhat, Kaya Masakit ang Likod o Tuhod "