Arthritis at Tamang Pagkain
Arthritis at Tamang Pagkain
Payo ni Doc Willie Ong
Sa arthritis, nasisira ang cartilage sa araw-araw na paggamit. Ayon sa pag-aaral, ang free radicals ay maaaring atakihin ang selula, tumaas ang pamamaga, at mapabilis ang proseso ng pagtanda, kabilang ang pagkasira ng joints at cartilage. Kaya naman maganda na i-dagdag sa iyong lutuin ang maraming anti-oxidants na makukuha sa prutas, gulay at green tea.
Kainin Ito:
1. Ang madahong gulay at citrus fruits ay mayaman sa antioxidant na nilalabanan ang mga free radicals at tumutulong para protektahan ang joints. Ang taong mayroong arthritis ay kinakailangan makakuha ng mas maraming antioxidants, lalo na ang vitamin C at beta-carotene mula sa pagkain. Ang vitamin C sa citrus na prutas katulad dalandan, suha, calamansi, lemon at orange. May antioxidant na matatagpuan sa madadahong gulay, na nagpapababa rin ng panganib sa arthritis.
2. Ang pinya ay may bromelain, isang protein-digesting enzyme at lumalaban sa pamamaga. Ayon sa pag-aaral, mabisa ito para mabawasan ang pananakit dulot ng osteoarthritis, katulad ng rin sa pag-inom ng gamot sa kirot. Wala pang side effect ang pinya.
3. Ang matatabang isda tulad ng sardinas, mackerel, salmon, tuna at tamban ay mayaman sa omega-3 fatty acids. Ito’y nagpapalakas ng produksyon sa anti-inflammatory fats na tinatawag na resolvins, na kumokontra sa pamamaga.
4. Ang curry, turmeric, luya at ibang spices ay lumalaban sa pamamaga sa arthritis. Ang luya, turmeric at curry ay may sangkap na curcumin, na pumipigil sa enzymes at protina na isinusulong ang pamamaga.
5. Ang green tea, sibuyas, strawberry, kamatis at citrus fruits ay naglalaman ng quercetin. Ang pag-aaral sa laboratory, ang quercetin ay isang anti-oxidant at anti-inflammatory.
Pinagmulan: @docwillieong
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Arthritis at Tamang Pagkain "