Mga paraan para malaman ang iyong HIV status
Mga paraan para malaman ang iyong HIV status
Para alamin ang iyong HIV Status, madami kang options! Maaari mo itong gawin sa pamamagitan ng:
- Facility-based HIV Testing
- Community-based Screening (CBS)
- HIV Self-Testing
- Social and Sexual Network Testing (SSNT)
- Index Testing
Facility Based HIV Testing - Maari kang pumunta sa mga accredited HIV care facilities na malapit sayo kabilang na ang mga Social Hygiene Clinics sa Pilipinas. May mga tutulong na health workers sayo para malaman ang iyong HIV status.
Community-Based Screening (CBS) - Ito naman ay isinasagawa sa labas ng HIV health facilities kasama ang isang trained health care provider or member ng Community-Based Organizations (CBOs) or centers sa Pilipinas. In short, may beshie na tutulong sayo para malaman ang iyong HIV status sa isang safe, komportable, at pribadong lugar.
HIV Self-Testing - Kung ikaw naman ay mas komportable na malaman ang iyong HIV status na mag-isa, may HIV Self-Testing Kits na available at accessible para sayo. Ikaw mismo ang magko-collect ng iyong dugo at magagawa mo ito sa isang pribadong lugar.
Social and Sexual Network Testing (SSNT) - Proseso kung saan ang isang trained provider ay nire-recruit ang isang Person Living with HIV (PLHIV) o mga tao na mataas ang risk na magkaroon ng HIV na i-motivate at mag-imbita ng kanilang mga kakilala o kabilang sa kanilang Social Network na may kaparehong risk na sumailalim sa HIV testing.
Index Testing - Kung ikaw naman ay (PLHIV) na may enrolled or returning sa HIV care services at active sa iyong sex life kasama ang iyong partner, maari niyong malaman ang iyong HIV Status sa pamamagitan ng intimate partner testing o Index Testing.
Laging tandaan, sa pag-awra nang safe, may options ka. GET TESTED para ang sarili ay mapanatiling healthy. Mag-avail ng HIV prevention methods, testing, and treatment for FREE! KonsulTayo sa ating mga Primary Care Providers.
Pinagmulan ng larawan: @PIA_RIII
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Mga paraan para malaman ang iyong HIV status "