Philhealth HIV | AIDS Treatment Package
Philhealth HIV | AIDS Treatment Package
Ang Philhealth Outpatient HIV/AIDS treatment (OHAT) package ay Php 7,500/quarter o Php 30,000 sa buong taon.
Ang PhilHealth Outpatient HIV/ AIDS Treatment Package ay maaaring ma-avail sa mga PhilHealth-accredited HCIs na itinalagang HIV/AIDS Treatment Hubs ng Department of Health.
Para sa listahan ng treatment hubs, i-click ang link na ito:
https://www.philhealth.gov.ph/partners/providers/institutional/accredited/OHAT_03292021.pdf
Ano ang Philhealth Outpatient HIV/AIDS Treatment (OHAT) Package?
Ito ay benepisyong para sa antiretroviral therapy (ART) ng mga "people living with HIV (PLHIV)".
Base sa treatment guidelines ng Department of Health (DOH), ang ART ay dapat agad masimulan sa mga nagpositibo sa human immunodeficiency virus o HIV.
Ano ang mga nakapaloob sa OHAT Package?
- Konsultasyon (face-to-face, home visit, o telemedicine
- Maagap na screening para sa tuberculosis
- Pagsubaybay sa toxicity o posibilidad na makalason - ng antiretroviral drugs sa pamamagitan ng lipid profile, complete blood count, serum creatinine, at fasting blood sugar (depende sa treatment regimen ng pasyente)
- Pag-monitor ng response ng pasyente sa gamutan gamit ang viral load testing
- At iba pang serbisyo para sa pagpapabuti ng kalagayan ng pasyente.
Pinagmulan: @teamphilhealth
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Philhealth HIV | AIDS Treatment Package "