Timoteo Paez
Timoteo Paez | @nhcpofficial

Timoteo Paez (1861 - 1939)

Reformista at rebolusyonaryo, isinilang sa sa Tondo, Maynila, 22 Agosto 1861. Kabilang sa mga nagtatag ng Logia Nilad, 6 Enero 1892; at sa La Liga Filipina, 3 Hulyo 1892. 

Sumapi sa Cuerpo de Compromisarios at tumulong mangalap ng pondo para sa kilusang repormista sa Europa, 1894.

Ibinilanggo ng mga Espanyol dahil sa pagkasangkot sa himagsikan, 1896. Hinirang ni Heneral Emilio Aguinaldo bilang komisaryo ng digmaan sa ilalim ng pamahalaang rebolusyonaryo.

Kinatawan ng Surigao sa kongreso ng pamahalaang rebolusyonaryo, 1898 - 1899. Kasama ni Aquinaldo sa pagtanggol ng Republika ng Pilipinas laban sa pag-abante ng mga Amerikano.

Inatasan ni Aguinaldo na samahan ang mga kababaihang bahagi ng kanilang pangkat na sumuko sa mga Amerikano, Bontoc, Ifugao, 25 Disyembre 1899.

Inihalal na konsehal ng Maynila, 1909. Yumao, 18 Setyembre 1939.