Guhit Lahi: Mga disenyo ng habi mula sa mga nayon
Guhit Lahi: Mga disenyo ng habi mula sa mga nayon | @nayongpilipino.museo
Likas sa mga NAYON sa Pilipinas ang pagiging malikhain. Matutunghayan natin ito sa maraming bagay, maging sa mga habi
at telang ating ginagamit sa iba't ibang pang-araw-araw na gawain.
Ang mga habing ito ay kakikitaan ng mga linya, kulay, guhit, at disenyong sumasalamin sa karanasan at mithiin ng mga mamamayan. Ang mga ito ay sinadya at isinakatuparan ayon sa kaugalian at kahulugan ng isang pamayanan.
Sa buwan ng Setyembre, ating bibigyan ng pansin ang lahat ng ito sa pamamagitan ng isang birtwal na eksibisyon. Itinatampok ng Museo ng Nayong Pilipino ang "Guhit Lahi: Mga Disenyo ng Habi mula sa mga Nayon." Ibinabahagi namin ang ilan sa mga habing nasa pangangalaga ng Nayong Pilipino Foundation. Higit sa lahat, itinatapok namin ang likas na pagiging malikhain ng mga NAYON
sa Pilipinas, bilang pagtatagpo ng kani-kanilang kalikasan, pagpapahalaga, at pamayanan.
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Guhit Lahi: Mga disenyo ng habi mula sa mga nayon "