Balsa Aralan
Ang Paglalayag ng "Balsa Aralan" sa Balabac Palawan
Maglalayag na sa bayan ng Balabac ang Balsa-Aralan upang magdala ng pag-asa at edukasyon sa mga nangangailangan nito.
Inilunsad ito ng Department of Education (DepEd)-Schools Division of Palawan noong Hulyo 14, 2022 sa pangunguna ni DepEd-Palawan Schools Division Superintendent Roger F. Capa, CESO VI katuwang ang Pamahalaang Bayan ng Balabac sa pamumuno ni Mayor Shuaib Artami.
Ang proyektong ito ay sa ilalim ng Boosting Access Literacy Service through Alternative Learning System o Project BALSA.
Ayon kay SDS Capa, sa pamamagitan ng Facebook account nito, ang Balsa-Aralan ay isang programa na magpapalakas ng access sa edukasyon ng mga out-of-school youth and adults sa mga isla ng Balabac, partikular na sa Bgy. Rabor.
Ang Balsa-Aralan ay may dalawang palapag at may mga instructional materials kasama ang television set at iba pang gamit-pampaaralan. Meron din itong palikuran at pahingahan ng mga ALS mobile teachers.
Ayon naman kay Maylyn Dilig, tumatayong Information Officer ng DepEd-Palawan, ang Balsa-Aralan ay naisakatuparan sa inisyatibo ng DepEd-Balabac Alternative Learning System sa tulong na rin ng lokal na pamahalaan ng nasabing bayan. (OCJ/PIA-MIMAROPA, Palawan)
Pinagmulan: @pia_mimaropa
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Balsa Aralan "