Ang Barkong Galeon

Ang Barkong Galeon


Ang mga barkong galeon ay gawa sa kahoy. Ito ay malakas at malaki. Ito ay pinapaandar ng hangin, at kayang tawirin ang mga karagatan. Ang mga barkong galeon ay ginamit sa pangangalakal, at kaya nitong magkarga ng maraming ari-arian. Dahil marami itong kargang mamahaling kalakal, ang mga pirata ay minsang nagtangkang nakawin ang mga kayamanan nito. Dahil dito, maraming galeon ang nagkarga rin ng mga kanyon.


Dahil sa lakas at laki nito, ang mga galeon ay ginamit din para sa gyera. Sa isang kaganapan noong 1600s, ang mga galeon ay ginamit para protektahan ang Maynila laban sa mga mananakop na mga Olandes!


Pinagmulan: @intramurosph


Mungkahing Basahin: