5-Piso Bagong Bayani Commemorative Coin

5-Piso Bagong Bayani Commemorative Coin | @bangkosentral


Kaisa ang Museo ng Bangko Sentral ng Pilipinas sa paggunita ng buong bansa sa Araw ng mga Pambansang Bayani ngayong ika-29 ng Agosto 2022.


Tinatampok ng BSP ang 5-Piso Bagong Bayani Commemorative Coin na nilikha upang magbigay pugay sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na itinuturing na mga bagong bayani ng ating bansa. Makikita sa harap ng barya ang walong mukha na kumakatawan sa mga manggagawang nangibang bansa, at ang mga pangalan ng bansang may pinakamaraming OFWs. Sa likod ng barya ay makikita ang karaniwang larawan ng isang pamilya na sama-sama sa paghatid sa kanilang mahal sa buhay patungo sa ibang bansa upang maghanapbuhay.


Ang 5-Piso Bagong Bayani Commemorative Coin ay unang inilunsad noong 2014. Sa mga nagnanais na mangolekta o bumili ng mga commemorative coins ay maaring bumisita sa link na ito: https://www.bsp.gov.ph/sites/feedbacks/SitePages/BSPShop.aspx


Para naman sa karagdagang kaalaman tungkol sa kolesyon ng BSP, bisitahin ang www.bit.ly/BSPMuseum