Gusaling Calvo
Itinayo ayon sa disenyo ni Fernando Ocampo sa lupang pag-aari ng mag-asawang Angel Calvo at Emiliana Mortera, 1938.
Naging opisina ng mga kumpanyang pangnegosyo at pangkabuhayan, 1938-1944. Pansamantalang ginamit ng Japanese Imperial Forces, Nobyembre 1944. Nasira noong labanan sa Maynila, 1945. Ipinaayos, 1946.
Itinatag ang Museo ng Gusaling Calvo sa ikalawang palapag, 1994. Isa sa mga nananatiling gusaling itinayo noong mga unang bahagi ng siglo 20 sa daang Escolta.
Ang Gusaling Calvo ay isang makasaysayang gusali sa kahabaan ng Kalye Escolta, Binondo, Maynila, Pilipinas. Ito ay itinayo noong 1938 at ito ay isang natatanging halimbawa ng arkitekturang beaux-arts. Nagsilbi itong istasyon ng radyong DZBB-AM bago lumipat sa kasalukuyang lokasyon nito sa Diliman, Lungsod ng Quezon.
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Gusaling Calvo "