Uragon
On Paglalakbay
Sa salitang ito nagugunita ko ang mga bakasyon sa Bicol para bisatahin ang aming mga kamag-anak. Palagi kong naririnig ang salitang “Uragon” tuwing reunions man o tuwing nakakakilala sila mama ng kapwa Bicolano sa labas. Kapag nabanggit ang “Uragon,” tiyak agad na taga-Bicol ang iyong kausap.
Pwede itong maglahad ng iba’t ibang kahulugan depende sa konteksto at nadadagdag na mga lapi: “Urag-uragon,” “Uragan,” “Uragonon.” Kahit ano mang mabuo, alam kong ipinagmamalaki ng mga Bicolano ang pagiging “uragon.” Wala itong katumbas na salita sa Tagalog. Maihahambing man ito sa pagiging magaling o astig, ang pagiging “Uragon” ay naglalahad ng katapangan — puno ng determinasyon at naglalagablab na damdamin. Kaya sa panahong ito na kinakailangan tumindig, nais kong maging “Uragon.”
Gawa ni @gumuguhit isa sa aming mentees sa kasalukuyang type design mentorship program namin.
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Uragon "