Senyasles at Sintomas ng Demensya


Pagkawala ng memorya o alaala

  • Nakakalimutan ang mahalagang mga petsa o mga pangyayari
  • Nakakalimutan ang isang bagay na nangyari na
  • Nakakalimutan ang dati ng pinag-aralan
  • Uulitin ang kaparehong impormasyon
  • Gagawin ang trabaho ng paulit-ulit
  • Nakakalimutan ang mga pangalan ng mga kilalang tao at pamilyar na lugar


Nalilito sa oras at lugar

  • Di napapansin ang paglipas ng oras
  • Nalilito kung nasaan sila o di kaya naman ay papaano sila nakarating duon


Nahihirapang tapusin ang karaniwang trabaho

  • Nakakalimutan paano pumunta o magmaneho papunta sa isang pamilyar na lugar o lokasyon
  • Nakakalimutan, nalilito o nagkakamali sa pagsulat ng tseke
  • Nakakalimutan o nagkakamali sa paglaro ng paboritong laro
  • Nakakalimutan o nagkakamali sa pag-inom ng gamot para sa pag-aalaga ng sarili


Nabawasan ang pagiging kritikal

  • Nagbibigay ng pera sa mga taong kaduda-duda
  • Hindi na nabibigyang pansin ang itsura


Problema sa pagkilala ng mga larawan a disoriented sa paligid niya

  • Hindi kayang maka-estima ng layo
  • Nahihirapang magsabi ng kulay at pagkakaiba ng kulay


Nahihirapang magsalita at magsulat

  • May problema na makasunod sa pinag-uusapan
  • Napapatigil sa gitna ng pakikipag-usap at nahihirapang ipagpatuloy ito
  • Nahihirapang makahanap ng tamang salita
  • Tinatawag o nilalagyan ng maling pangalan ang mga bagay-bagay


Walang pakialam at interes

  • Walang interes sa libangan, gawain, at mga pangyayari sa lipunan na dating kinagigiliwan
  • Umiiwas sa mga tao
  • Ibinubukod ang sarili


Pagbabago sa mood, kilos, at personalidad

  • Depresyon
  • Pagdududa
  • Takot
  • Pagkabalisa
  • Hindi mapakali kapag dinala sa lugar na hindi pamilr
  • May pagkakataong maligalig at marahas ang kilos


Ngunit paano nga ba natin malalaman at masusuri ang isang tao na nanganganib na magka-demensya?


Ayon sa World Health Organization, kailangang makita ng espesyalista tulad ng psychiatrist, neurologist o geriatrician ang iyong kalagayang pisikal, neurological, at kakayahan ng isip.


Para sa mga komunidad na may limitadong kakayahan, maaring irekomenda na sumuri ang isang doktor o nars na nakapagsanay sa pangkalusugang mental.


Mungkahing Basahin: