Himagsikan
On Pamumuhay
HimagsikanAng Agosto ay di lamang Buwan ng Wika. Ginugunita rin sa buwang ito ang Unang Sigaw sa Balintawak na siyang nagmitsa sa Himagsikang 1896 na pinamunuan ng Katipunan. Kaya naman ngayong araw ay ibabahagi namin sa inyo ang pinagmulan ng salitang himagsik (pati na rin ang diwa nito)!
Ang himagsik ay pinagdugtong na hing na tumutukoy sa pag-uulit ng isinasaad ng salitang-ugat (tulad sa mga salitang hingalo at hingalay) at bagsik na katangian ng lubos na makapangyarihan at mapangwasak. Ang himagsikan naman ay nangangahulugang batayang pagbabago sa kalagayang panlipunan at pangkabuhayan.
Sa tuwing tayo ay tumitindig para sa kalayaan at kapayapaan, ang duyan ng magiting ay magiliw na umuugoy.
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Himagsikan "