Uso pa ba ang haraya? Marahil ikaw ay nagtataka. Oops, iba pala yun. Paumanhin mga Ka-Nayon.


Ang haráya ay ang kakayahan ng isip na bumuo ng mga imahen o konsepto ng mga panlabas na bagay na hindi umiiral o hindi totoo ; kakayahan ng isip na bumuo ng mga larawan ng anumang hindi pa nararanasan ; o kakayahan ng isip na bumuo ng mga bagong imahen o idea sa pamamagitan ng pagdugtong-dugtong ng mga dáting naranasan.


Tumutukoy din ito sa anumang inilalarawan sa isip o binubuo sa isip at ang kakayahan ng isip na maging malikhain o maparaan.


Kasingkahulugan nito ang darepdép (Ilokano), díli, háwo, karayà, lóba (Bikol)


Ano ang haráya sa inyong wika mga Ka-Nayon?


Mungkahing Basahin: