Gayon
Magayon, magayonon, pagayon, pagayonan, kagayonan – maraming salitang may iba’t ibang kahulugan ang nabubuo mula sa isang salitang-ugat kapag ito ay dinaragdagan ng mga lapi. Tunay na magayonon ang ating wika at napakayaman nito kaya dapat lamang na ating ipagdiwang ito.
Nakakahiya mang aminin pero nahirapan akong magsulat ng mga caption para sa anim kong post sa IG takeover na ito. Gagamitin ko ang karanasang ito bilang pagpapaalala na dapat ay lalo pa akong magsanay sa pagsulat gamit ang wikang Pilipino.
Magayonon na marhay (magandang-maganda) ang ating wika. Patuloy natin itong tangkilikin!
Jo Malinis (@aniciaclean)
Hanggang sa muli! Mabalos po (Salamat po)!
Lumaki akong may tatlong wikang naririnig: Tagalog, Ingles, at Bicolano. Dahil ang nanay ko ay taga Naga, madalas (lalo na nung mas bata pa ako) na nagagamit nya sa pang araw-araw ang mga salitang galing sa Bicol. Isa sa mga salitang tumatak sa akin ay ang salitang “gayon,” na ang ibig sabihin ay “ganda” sa Tagalog.
Tuwing naririnig ko ang “gayon” ay naaalala ko ang aking mga pinsan, mga tita, at mga lola na madalas sinasabi sa iba at sinasabihan na sila ay magayon (maganda). Naalala ko rin ang bahay na kinalakihan ng aking ina sa Naga at ang mga halamang nasa hardin nila. Pumapasok rin sa aking isipan ang mga pinupuntahan naming iba pang magagayong (magagandang) lugar sa kalapit na lalawigan.
Pinagmulan:@damakolahiko
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Gayon "