Ang tapis mo inday lyrics
Ang tapis mo inday lyrics. Isa sa mga musikang ginawa ni Levi Celerio, isang bantog na komposer at liriko.
Isa sa mga musikang ginawa ni Levi Celerio, isang bantog na komposer at liriko. Ang kantang ito ay inilapat sa pelikulang “Ang Tapis Mo Inday” na kinatatampukan ni Celia Flor noong 1951. Ang naririnig ninyo ay iniawit ni Ruben Tagalog, ang tinaguriang Hari ng Kundiman.
Ang tapis mo Inday ay kay ganda at mapang-akit
Lunas at aliw sa hirap kong tinitiis
Bakit hindi mo na taglay ngayon
Ang tapis na kundimang marikit
Nalimot mo na ba ang dating ayos mo kung magbihis
Tapis mong iyan pag nilimot Inday
Ang aking puso’y mamamanglaw
May damit kang iba ngunit barong hiram
Dapat mong mahalin ang damit na kinagisnan
Tapis sa baywang mo mutyang sinta
Twina sa puso ko’y gumaganda
Sayang ang tapis mong nilimot na
Limot na rin ang baro at saya
Ang tapis na kundiman ay dapat ingatan
Dangal ng lahi at hiyas ng silangan
Bagay na bagay sa iyo kung ika’y nagpapasyal
Ligaya niyaring puso habang minamasdan
Ang tapis na kundiman ay dapat ingatan
Dangal ng lahi at hiyas ng silangan
Bagay na bagay sa iyo kung ika’y nagpapasyal
Ligaya niyaring puso habang minamasd
Tapis mo ay huwag kalilimutan
Sanggunian:
“Ang Tapis Mo Inday”. Villar Records International Music Publishing, 2008. Rube Tagalog – Topic. Youtube. 2015. https://www.youtube.com/watch?v=Hey9Nx4sf4M
“Ang Tapis Mo Inday”. Filipino Songs Atbp. Blogger. 2007. http://filipinosongsatbp.blogspot.com/2007/07/ang-tapis-mo-inday.html
Disclaimer: All rights and credit go directly to their rightful owners. No copyright infringement intended. The use of the music is for non-profit and educational purposes.
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Ang tapis mo inday lyrics "