On
MULA NANG MAUSO ANG DAMIT NA KUNDIMAN

Mula nang mauso damit na kundiman,

babae’t lalaki ay nagpupulahan.

Lalong namumula ang kadalagahan.

Siyang pag-aalsa ng Katagalugan.


Nang magsi-abanse ang mga Tagalog,

ang dalang sandata’y mahahabang gulok.

May sumpit, may pana, at saka arkabus.

Sibat na bukawe ang pinakikihamok.


Ako’y nag-aani ng palay-tubigan

at narinig ko na may nagpuputukan.

Ako ay tumindig at aking tinanaw:

babae’t lalaki ay nagtatakbuhan.


Ako ay nakitakbo, ako ay natakot.

Ako’y namilapil, ako’y nahulog.

May babaeng sa akin ay nakisunod,

ladlad na ang tapis, lugay pa ang buhok.


Mula nang mauso damit na kundiman,

babae’t lalaki ay nagpupulahan.

Lalong namumula ang kadalagahan.

Siyang pag-aalsa ng Katagalugan.


Siyang pag-aalsa ng Katagalugan!

Ang kantang ito ay nanggaling sa Heneral Trias, Cavite noong 1873, at inaawit noong panahon ng Rebolusyon. Ang damit na kundiman ay tumutukoy sa pulang salawal ng mga Katipunero.


Ang bersyon na inyong maririnig ay inareglo at inawit ng bandang Inang Laya noong dekada ‘90 para sa kanilang album na “Alab 1896-1996: Alay Sa Laya ng Inang Bayan”.


Imahe: pulang saya [UP CHE Costume Collection]


Sanggunian:
“Mula Nang Mauso Ang Damit na Kundiman – Filipino Revolutionary Song (1873)”. Canciones de Filipinas. Youtube. 2020. https://www.youtube.com/watch?v=KOYaBc1aG5U


“Songs of the Revolution”. MalacaƱang Palace Presidential Museum and Library. GOVPH. 2021. http://malacanang.gov.ph/75729-songs-of-the-revolution/


Disclaimer: All rights and credit go directly to their rightful owners. No copyright infringement intended. The use of the music is for non-profit and educational purposes.


Mungkahing Basahin: