Ano nga ba ang Devolution Transition Plans?
Ano nga ba ang “Devolution Transition Plans (DTPs) na road map ng LGUs para sa ganap na debolusyon?
Alinsunod sa Seksyon 10 ng Executive Order (EO) No.138 at Seksyon 15, Rule V, ng Implementing Rules and Regulations (IRR) nito, lahat ng probinsya, lungsod, munisipalidad, at barangay ay inaatasang maghanda ng kani-kanilang DTP.
Ito ay nagsisilbing “roadmap” o gabay ng mga LGUs upang masiguro ang maayos, sistematiko at magkakaugnay na hakbang tungo sa kanilang pagsasagawa o pagpapatupad ng mga “devolved” na responsibilidad at tungkulin sa darating na 2022.
Ano-ano ang mga nilalaman ng LGU DTPs?
Ang mga probinsya, lungsod, at munisipalidad ay gagawa ng isang ulat ng salaysay na naglalaman ng mga sumusunod:
a. State of Devolved Functions, Services, and Facilities;
b. Phasing of Full Assumption of Devolved Functions, Services, and Facilities;
c. Capacity Development(Cap Dev) Agenda;
d. Proposed Changes to Organization Structure and Staffing Pattern (OSSP);
e. Local Revenue Forecast and Resource Mobilization Strategy at
f. Performance Targets for Devolved Functions and Services.
Samantala, ang mga DTP ng mga barangay ay bubuuin ng:
a. State of Devolved Functions, Services, and Facilities;
b. Phasing of Full Assumption of Devolved Functions, Services, and Facilities at
c. Cap Dev Requirements.
Paano Ihahanda ang mga LGU DTPs?
Magkakaroon ng masusing koordinasyon sa pagitan ng LGUs at national government agencies (NGAs) tungkol sa kanilang partikular na mga devolved na tungkulin at serbisyo.
Sa pagsusuri ng kani-kanilang mga prayoridad para sa kaunlaran o “development priorities,” kapasidad at resources pati ang mga sariling DTPs ng mga NGAs, tutukuyin ng mga LGUs:
Mga responsibilidad, serbisyo, at pasilidad at mga programa, ptoyekto at aktibidades na i-dedevolved sa kanila mula sa mga NGAs,
Pagpili kung ano-ano sa mga pangangailangan na ito ang kailangang paigtngin at,
Ang pagsasagawa ng “phased approach” sa paglipat ng mga devolved na responsibilidad.
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Ano nga ba ang Devolution Transition Plans? "