Ano ang hand, foot, and mouth disease?


Ano ang Hand, Foot and Mouth Disease? Ano ang mga dapat natin alamin sa sanhi nito upang maiwasan, ang mga sintomas, at mga dapat gawin kung magkaroon man ng ganitong uri ng sakit.


Ang hand, foot and mouth disease (HFMD) ay isang nakakahawang sakit na karaniwang nakikita sa mga bata. Ang sakit na ito ay sanhi ng virus (Enterovirus) at nagdudulot ng mapupulang butlig o sugat sa mga kamay, paa, bibig, at maging lalamunan.


Paano ito napapasa?

  1. Naikakalat ito sa pamamagitan ng pagbahing o pag-ubo (laway, dura, o sipon) ng isang taong may HFMD.
  2. Direktang paghawak sa mga bagay na natalsikan ng laway, sipon, sugat, o dumi ng taong may HFMD.


Mga sintomas ng HFMD?

  1. lagnat,
  2. pulang butlig o sugat sa kamay at paa,
  3. maliliit na sugat sa bibig at lalamunan,
  4. pananakit ng lalamunan,
  5. pananamlay at kawalan ng gana sa pagkain.


Paano maiiwasan ang HFMD?

  1. Ugaliin ang paghuhugas ng kamay at panatilihin ang kalinisan sa pangangatawan at kapaligiran.
  2. Kumain ng masustansya at uminom ng maraming tubig.
  3. Ugaliing linisin o i-disinfect ang mga bagay na madalas hawakan o isubo ng inyong anak.
  4. Iwasan ang mataong lugar at pakikisalamuha sa mga taong may sakit.


Ngayong Hulyo nais natin itaas ang kamalayan sa Hand, Foot, and Mouth Disease, isang karaniwang sakit sa mga bata na dulot ng enteroviruses.


Walang epektibong bakuna upang pigilan ang HFMD. Panatilihin ang personal na kalinisan at pangkapaligiran para umiwas sa sakit na ito.


Mungkahing Basahin: