Katedral ng Kalookan
On Paglalakbay
Katedral ng KalookanItinatag ng mga Agustino bilang Visita ng Tondo, 21 Mayo 1599. Inilipat sa pangangasiwa ng mga Rekoleto, 1814. Naging Parokya sa Patronato ni San Roque, 8 Abril 1815.
Panandaliang nagkuta rito si Heneral Antonio Luna nang lusubin ng 20th Kansas Infantry ang Caloocan, 10 Pebrero 1899. Binomba ng mga Amerikano noong Digmaang Pilipino-Amerikano.
Ginamit nina Heneral Arthur Macarthur at Koronel Frederick Funston bilang himpilan at ospital ng mga sundalong Amerikano, 10-11 Pebrero 1899.
Pinangunahan ng Confradia Del Sagrado Corazon De Jesus ang pagsasaayos ng mga nasirang bahagi ng simbahan, 1914. Itinaas sa antas ng Katedral kasabay ng pagtatatag ng Diyosesis ng Kalookan, 28 Hunyo 2003.
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Katedral ng Kalookan "