Panunumpa sa Inang Kalikasan
On Pamumuhay
Panunumpa sa Inang KalikasanInang Kalikasan, oses ko’y dinggin,Karaniwang tao man, may magagawa rin.Dahil lahat ng biyaya ay sa’yo galing,Ang alagaan ito ay aming tungkulin.Ang kanang kamao sa dibdib ay ipapatong,Para sa panata na aming isusulong.Maling kaugalian ay aming iiwasan,Tulad ng pagtatapon sa kung saan-saan.Iiwasan di namin ang pagsasayang,Dahil biyaya mo ay isang kayamanan.Sasawayin ang mga maling makikita,hindi kami papayag na tuluyan kang masira.Magtatanim ng halaman kung kinakailangan,Bawat dahon at bulaklak ay pahahalagahan,dahil preskong hangin ang laging dala,ng mga puno at halaman mong kaygaganda.Bagama’t hindi lahat ikaw ay iingatan,Kami ay nanunumpa, Inang Kalikasan,Kasama ng iba pang mga kabataan,Luntiang pamana mo’y aking babantayan.Ang layuning ito ay handa nang simulan,Tatayong saksiang isang bagong bakuran.
No Comment to " Panunumpa sa Inang Kalikasan "