Ang 2005 Southeast Asian Games sa Pilipinas


Sa araw na ito, Nobyembre 27, noong 2005, idinaos sa ating bansa ang ika-23 Southeast Asian Games (SEA Games), ang ikatlong beses na nagdaos ng nasabing biennial na multi-sports event sa buong Timog-Silangang Asya.


Idinaos sa Quirino Grandstand ang seremonya ng pagbubukas ng SEA Games sa Pilipinas, na dinaluhan ng 200,000 katao, kabilang na ang 5,336 na mga atleta mula sa 11 bansa sa Timog-Silangang Asya, mga beteranong atletang gaya nina Lydia de Vega at Mansueto Onyok Velasco, Paeng Nepomuceno, Efren Bata Reyes, Akiko Thomson, at maging ng mga delegado mula sa Moro Islamic Liberation Front (MILF).


Pinangunahan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang seremonya ng pagbubukas ng SEA Games, kung saan si Marie Antoinette Rivera ang nagsilbing final torch bearer na nagsindi ng ceremonial torch na naging hudyat ng pagsisimula ng patimpalak. Inawit rin sa nasabing seremonya ang opisyal na anthem ng ginanap na SEA Games, ang “We’re All Just One” na katha ni Jose Mari Chan at Rene Nieva.


Aabot sa 40 sports ang nilaro ng mahigit 5,000 atleta; Brunei na may 271 atleta, Cambodia na may 108, Indonesia na may 779, Laos na may 102, Malaysia (613), Myanmar (452), Pilipinas (892), Singapore (658), Thailand (780), East Timor (29), at Vietnam (652), kung saan nilaro nila ang mga larong gaya ng archery, arnis, badminton, basketball, golf, canoeing, bodybuilder, billiards, karate, gymnastics, boxing, triathlon, weightlifting, sepak takraw, pencak silat, wrestling at wushu.


Isinahimpapawid sa ABC 5, RPN, National Broadcasting Network, at Intercontinental Broadcasting Corporation ng Pilipinas ang live na broadcast ng mga laro sa 2005 SEA Games.


Mungkahing Basahin: