Simbahan ng Bacon


Nagsimula bilang Visita ng Casiguran at naging hiwalay na parokya sa ilalim ng pamamahala ng Pransiskanong si Padre Antonio De San Francisco, 1617.


Itinayo ang unang simbahan yari sa nipa at kawayan sa Pigsabunan at isinailalim sa patronato ng Nuestra Senora De Anunciacion, 1696.


Pinamahalaan ng mga Rekoleto, 1760.


Ibinalik sa pamamahala ng mga Pransiskano, 1768. Lumaon ay pinamahalaan ng mga sekular at si Padre Pedro Licup ang naging unang Pilipinong Kura Paroko, 1794.


Napinsala ng Bagyo at nagpatayo ng pansamantalang simbahan at kumbento, 1811.


Isinailalim sa patronato ni Santa Rita De Cascia, 1835.


Inilipat ang simbahan sa kasalukuyan nitong kinatatayuan, 1852. Muling ibinalik sa patronato ng Nuestra Senora De Anunciacion, 1853; at sinimulang itayo ang bagong simbahan, 1854 at ang Kampanaryo, 1885.


Napinsala ng Bagyo, 1914; Lindol, 1954.


Isinaayos, 1963-1979. Muling isinaayos ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas, 2021.


Mungkahing Basahin: