Ano ang Thyroid Cancer?

ALAMIN:


Maraming dahilan kung bakit nagkakaroon ng sakit sa thyroid o goiter ang isang tao. Sa Asya, ang kakulangan ng iodine sa katawan ay isa sa mga pangunahing sanhi ng sakit na ito.

 

Ano ang Thyroid Cancer?


Isang uri ng kanser kung saan nagkakaroon ng pagdami ng depektibong cells sa thyroid.


Ang thyroid gland ang gumagawa ng hormones na nakakatulong sa pagpapanatili ng maayos na metabolismo, heart rate, blood pressure, at temperatura ng isang tao.


Ang thyroid gland ay parang maliit na hugis ng paru-paro at mahahanap ito sa harap ng leeg, sa ilalim ng gulunggulungan.

 

Sintomas ng Tyroid Cancer

  • Bukol sa leeg na maaring lumaki ng mabilis,
  • Pamamaga at pananakit sa harap ng leeg (minsan nararamdaman ang sakit hanggang sa tenga),
  • Pagkapaos, o iba pang pagbabago sa boses na hindi nawawala,
  • Nahihirapang lumunok at huminga,
  • Paulit-ulit na pag-ubo, at
  • Panghihina ng katawan.

 

Risk Factors ng Throid Cancer

  • Kasarian at edad: May nakikita ang sakit na ito sa mga babaeng may edad na 40 hanggang 60 kumpara sa mga lalaki na mas nakikita sa edad na 60 hanggang 80.
  • Genetics: Namamana o may kapamilya na nagkaroon ng thyroid cancer.
  • Exposure: Malimit na exposure sa radiation.
  • Obesity: Mas nakikita sa mga obese na mga indibidwal.
  • Lebel ng iodine: Mas nakikita sa mga indibidwal na may kakulangan sa iodine.

 


Nakakaramdam ng mga nasabing sintomas?


Magpakonsulta na sa pinakamalapit na Health Center Facility sa inyong lugar!


Ang Thyroid Cancer ay nagagamot lalo na kung naagapan ng maaga.

 

Mungkahing Basahin: