Goiter Awareness Week

Ang Iodine deficiency ay problemang nutrisyon na patuloy na kinahaharap ng ating bansa at ito ang karaniwang sanhi ng Goiter.


Sa pagdiriwang ng Goiter Awareness Week, ating alamin ang mga karaniwang sintomas nito at kung paano ito maiiwasan.


May bukol ka bang napapansin sa iyong leeg? Hirap ka bang lumunok o huminga o di kayay namamaos o inuubo?


Baka Goiter o bosyo na yan. Ang goiter ay ang paglaki ng thyroid gland na matatagpuan sa leeg sa ilalim ng Adam’s apple.


Ang pangkaraniwang sanhi nito ay kakulangan sa iodine. Upang maiwasan ang iodine deficiency, gumamit ng asin na may sangtong iodine. Ito ay pinagtibay ng RA 8172 o ang Asin Law na nagtatakda na lahat ng asin na gagamitin sa pagkain ay dapat iodized salt. Maliban sa iodized salt, makukuha rin ang iodine sa mula sa mga lamang dagat at dairy products.


Sugpuin ang goiter, mag-iodized salt.


Pinagmulan: @PIA_RIII


Mungkahing Basahin: