Ano ang Leukemia?


Ang leukemia ay isang kanser kung saan ang parte ng katawan na bumubuo ng dugo (bone marrow) ay gumagawa ng higit sa kailangan na white blood cells (WBC).


Ang mga WBC na ito ay pawang depektibo at nakasasama sa katawan.


Sintomas ng Leukemia


Ang mga indibidwal na may leukemia ay may depektibong WBC na nagdudulot ng hindi kaaya-ayang reaksyon sa katawan.


Iba-iba ang sintomas ng sakit na ito base sa uri/klase ng leukemia.


Ang mga sumusunod ay karaniwang nakikita sa mga pasyenteng may leukemia:

  • lagnat,
  • panghihina,
  • pangangayayat,
  • pamumutla,
  • malimit na impeksyon,
  • pantal at pasa,
  • malaking kulani,
  • madaling pagdugo.


Ano ang dapat gawin?


Kung nakakaranas ng mga nabanggit na sintomas ay marapat na magpakonsulta sa iyong pinakamalapit na pasilidad pangkalusugan.


Mga pamamaraan ng paglunas:

  1. Chemotherapy,
  2. Radiation therapy,
  3. Biological therapy,
  4. Targeted therapy,
  5. Stem cell transplant.


Mungkahing Basahin: