Ang programang PAMANA (PAyapa at MAsaganang PamayaNAn o PAMANA,) ay isa sa mga programa ng Department of Social Welfare and Development na naglalayong tulungan ang mga kapatid nating katutubo sa mga conflict affected areas o CAA.


Ang programang PAMANA ay binubuo ng mga micro-level intervention na tumutugon sa pagpapatibay ng kapayapaan, rekonstruksyon at pagpapaunlad ng mga conflict-affected area o CAA. Ito ay isang pantulong na solusyon upang tugunan ang mga dahilan o ugat ng mga isyung nakaaapekto sa peace process.


Layunin ng programang ito na paigtingin ang pagbibigay ng serbisyo sa pamamagitan ng aktibo, transparent at accountable na lokal na pamahalaan sa mga PAMANA area. Sa ganitong paraan, masisiguro ng komunidad ang makikinabang sa mga serbisyo at programang para sa kanila.


Mungkahing Basahin: