Ang Escuela Pia ng Prieto-Diaz ay matatagpuan sa Prieto Diaz, Sorsogon. Ito ay kasama sa Listahan ng mga panandang pangkasaysayan ng Pilipinas sa Bicol Region noong 2002.


Ang listahan ng mga marker (pananda) na pangkasaysayan na itinalaga ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) sa Bicol Region ay isang talaang listahan ng mga tao, lugar, o kaganapan sa rehiyon na ginunita ng mga moldeng bakal na plake na inisyu ng nasabing komisyon. Ang mga plake mismo ay permanenteng mga palatandaan na nakatalaga sa mga lokasyon na nakikita ng publiko sa mga gusali, monumento, o sa mga espesyal na lokasyon.


Itinayo na gawa sa kurales sa ilalim ng kastila ayon sa arkitektura ng Escuela Pia noong ikalabinsiyam na dantaon.


Ipinagpatuloy bilang paaralang pambayan noong panahon ng mga Amerikano at ngayo’y kabilang sa mga gusali ng Prieto-Diaz Central School.


Isinaayos nang masira ng Bagyong Reming noong 2006 ng GMA Kapuso Foundation Inc., bilang bahagi ng programang “Unang Hakbang sa Kinabukasan,” 2007.


Mungkahing Basahin: